Sunday, June 22, 2008

Gantsilyo Guru is Emo


Gantsilyo

Bawat pasok sa butas
Dumudulas
Dumadaan
Dumadaloy sa mga daliring
Nananakit ngunit nangangailangan
Ng dahilan upang magpatuloy
Sapagkat walang saysay
Ang pagtatangkang nag-uumpisa
Sa iisang hatak
Kailangan panindigan
Ang nasimulan
Kahit kumikirot na ang kalamnan
Sa bawat pagdulas
Pagdaan
Pagdaloy
Hanggang sa mabuo
Ang balabal
Mula sa kawalan

No comments: